Monday, February 7, 2011

Bakit nagpakamatay si Gen. Angelo Reyes?

Isang masaklap na balita ang natanggap ng mga mahal sa buhay ni General Angelo T. Reyes dahil ito ay nagpakamatay sa harap ng puntod ng kaniyang minamahal na ina sa Loyola Memorial Park sa Marikina City, 7:45am Pebrero 8, 2010.

Si Reyes habang nanunumpa bilang DND Secretary


Sana malaman kaagad ang resulta ng imbestigasyon kung totoong nagpakamatay nga ito o pinatay. Hindi rin malayong patayin si Reyes dahil sa kinasasangkutan nitong isyu sa kasalukuyan. Siya daw ay tumanggap ng P50 milyong pabaon mula sa AFP nuong siya ay nagritero ayon kay Col. Rabusa, ang dating finance head ng AFP.

Maaaring patayin si Reyes ng mas malaki pang "isda" na sangkot sa kinakaharap na isyung ito. Sa kaniya lang ba ang buong P50 milyon o may kahati pa siyang iba? May iba pa bang pera na sangkot na maaaring nakinabang din ang iba pang opisyal ng pamahalaan o baka mas mataas pa nga kesa sa kaniya?

Wednesday, February 2, 2011

Oscar Cruz pasaway na naman

Hindi natin malaman kung anong hidden agenda meron itong si retired Arch. Oscar Cruz. Nagulat partikular na ang COPA o The Council on Philippine Affairs sa pangunguna nina Pastor Boy Saycon at William "Billy" Esposo dahil sa panibagong "pasabog" ni Cruz. Binanggit nito sa isang panayam sa media na ang COPA ay bumitaw ng suporta kay President Nonoy Aquino dahil daw ika sa kapalpakan ng pamahalaan ng ang bansa.



Ang tinutukoy ni Cruz ay ang sunod-sunod na mga krimen at terorismo, nakawan atbp. Matatandaan na ang COPA ay isang masugid na taga-suporta ni P-Noy noong nakaraang eleksiyon.

Natural lamang na itanggi ng COPA ang mga pahayag ni Cruz bagama't naulinigan din natin na may bigat din ang mga tinuran ng Arsobispo. Pero sabi nga ng marami hindi na dapat bigyang pansin si Cruz. Napakaaga pa para sabihing walang kakayahan itong si P-Noy at dapat nang palitan. Sino naman ang ipapalit nila?