Sino man ang gumawa nito ay hindi dapat pamarisan at sana'y madakip kaagad ang may gawa nito nang sa gayon ay masampahan ng kaso at kung napatunayang nagkasala ay mahatulan ora mismo. Nakikiisa tayo sa pagkondena sa nasabing kahindik-hindik na pangyayari at nakikiramay sa mga naulila ng mga namatay nating kababayan.
Ano kaya ang maaaring motibo ng may gawa nito? Posible kaya ang mga ito:
- Destabilisasyon kaya sa pamahalaang Aquino?
- Dili kaya'y inililigaw lamang ang atensiyon ng sambayanan mula sa ibang kontrobersiyal na mga pangyayari sa kasalukuyan tulad ng kaso ni General Garcia at Dominguez carnap group?
- Makatuwin kayang isipin na nagpaparamdam na naman muli ang mga kulang sa pansin na mga terorista?
Hangad natin na magkaroon kaagad ng positibong resulta ang ginagawang imbestigasyon nang sa gayon ay makausad na tayong muli. Sana'y hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga biktima, namatay man o nasugatan.